Bersyon 1
Bisa mula 1/1/2021
Ang Markit Systemay isang tool para sa pagbili ng mga produktong IT. Ito ay naghahatid ng serbisyo sa paraang payak at transparent. Abot-kamay ng mga customer ng Markit System ang kakayahang magsagawa ng internet-based na pagbili at punch-out functionality sa pamamagitan ng www.markit.eu as well as via punch-out functionality.1. Pangkalahatan. Ang Mga Tuntunin ng Serbisyo (Mga Tuntunin) na ito ng Markit ay sumasaklaw sa anumang paggamit ng Markit System at inilalapat sa anumang mga order na inilagay sa pamamagitan ng Markit System.
2. Mga Kahulugan. Napapaloob dito ang mga sumusunod na termino:
3. Pagpaparehistro. Inaalok lamang ang Markit System sa mga legal entity. Upang magamit ang Markit System sa paglalagay ng mga order, kinakailangan ang pagpaparehistro. Sa paglikha ng isang account sa Markit System, kailangang magbigay ang Customer ng tumpak, kumpleto at updated na impormasyon. May pananagutan ang Customer na panatilihing up to date ang mga detalye nito sa loob ng Markit System. Anumang impormasyon o abiso na ipinadala ng Markit o ng Markit Local Entity ay mangangahulugan na natanggap ng Customer kung nagpadala ang Markit ng mga naturang abiso o impormasyon sa contact details na ibinigay ng Customer sa Markit System.
4. Mga User. Itinatalaga ng Customer ang mga user na may karapatang maglagay ng mga order sa pamamagitan ng Markit System sa ngalan ng Customer (User). Ang user na may administrator rights ay may karapatang pahintulutan ang iba pang mga User na maglagay ng mga order sa ngalan ng Customer. Ang Customer ay may ganap na pananagutan sa Markit Local Entity patungkol sa lahat ng mga order na inilagay ng sinumang User ng Customer. Dapat tiyakin ng Customer na napapanatiling lihim ng mga User nito ang kanilang mga password. Dapat tiyakin ng Customer na ang impormasyon tungkol sa nasabing mga User nito ay napapanatiling up to date, kabilang na ang User na hindi na awtorisadong mag-order sa ngalan ng Customer, na inaalis mula sa Markit System sa pamamagitan ng paggawa ng mga nauugnay na pagbabago sa Markit System o sa pagbibigay-alam sa customer support.
5. Paggamit ng Markit System. Ang Markit at ang Markit Local Entity nagkakaloob sa Customer (at mga User nito) ng karapatan sa pag-access at paggamit ng Markit System. Ang nasabing karapatan ng pag-access at paggamit ay hindi eksklusibo at hindi maililipat. Tinatanggihan ng Markit Local Entity at Markit ang anuman at lahat ng warranty, ipinahayag o ipinahiwatig, kaugnay ng operasyon ng Markit System na ibinigay sa isang "as is" at "as available" basis sa Customer. Ang Markit Local Entity at Markit ay magsasagawa ng kanilang pinakamahusay na pagsisikap upang maibigay sa Customer ang isang Markit System na may pinakamataas na kalidad, kaligtasan at seguridad. Gayunpaman, ang Markit Lokal na Entity at Markit ay walang warranty na ang access at pagpapatakbo ng Markit System ay palaging hindi nagagambala, napapanahon o walang error.
6. Katalogo ng Markit System. Ang mga produkto at item na maaaring ma-order ng Customer ay matatagpuan sa katalogo ng Markit System. Ang mga presyo ng mga produkto sa nasabing katalogo ay ipinapakita sa lokal na pera ng Customer at kaugnay na indicative prices. Lahat ng mga imahe ng mga produkto ay para sa paglalarawan lamang at maaaring magkaiba mula sa aktwal na Produkto na na-deliver. Alam ng Customer na ang Markit o ang Markit Local Entity ay walang stock ng anumang mga produkto o item na makikita sa katalogo ng Markit.
7. Pag-order. Ang mga User ng Customer ay maaaring maglagay ng mga order para sa pagbili ng mga Produkto sa pamamagitan ng Markit System sa ngalan ng Customer. Anumang order na inilagay ng mga User sa pamamagitan ng Markit System ay itinuturing na offer ng Customer. Ang kontrata para sa pagbili ng mga Produkto, kabilang ang kasunduan sa presyo at delivery ay natatapos sa sandaling tanggapin ng Markit Local Entity ang order, sa pamamagitan ng pagpapadala sa e-mail ng order confirmation sa Customer. Ang pagkansela ng mga order ay posible hanggang sa ang kumpirmasyon ay maipadala ng Markit Local Entity.
Ang Markit Local Entity ay may karapatang hindi kumpirmahin ang mga order na inilagay ng Customer at may karapatang kanselahin ang isang order anumang oras kung may valid na dahilan para rito. Maaari ring kanselahin ng Markit Local Entity ang anumang mga transaksyon sa pagbebenta (kumpirmadong mga order) kung nagkaroon ng error sa Markit System sa pagpepresyo (hal. ang ipinakitang presyo ay hindi makatwiran na mas mababa sa average na presyo sa merkado), ang Produkto ay hindi na available, o dahil sa maling paglalarawan ng Produkto.
8. Paunang-bayad. Maliban kung may iba pang napagkasunduan, ang default na paraan ng pagbabayad ay ang paunang pagbabayad batay sa isang pro-forma invoice, na ibibigay ng Markit Local Entity kasama ang kumpirmasyon ng order. Ang na-order na mga Produkto ay hindi ipapadala bago matanggap ang buong halaga ng paunang bayad. Maliban kung nakasaad sa pro-forma invoice o habang nasa proseso ng pag-order, ang pagkabigo na bayaran ang mga na-order na Produkto sa loob ng 30 (tatlumpung) araw mula sa araw na na inilabas ng Markit Local Entity ang pro-forma invoice, ay magreresulta sa awtomatikong pagkansela ng order at ang kaugnay na transaksyon sa pagbebenta.
9. Limitasyon sa kredito. Maaaring mag-apply para sa credit limit ang mga customer sa pamamagitan ng pagpapasa ng Credit Application Form. Kung sakaling hindi maapruba-han ang credit limit, aabisuhan ang Customer tungkol sa desisyon ng Markit Local Entity. Ang available credit limit ay ang posibleng kabuuang halaga ng mga utang ng Customer sa Service Provider. Makikita ng Customer ang kabuuang halaga ng approved credit limit at ang available credit limit sa “Customer Information” section Markit System. Sa pa-mamagitan ng available na credit limit, tinitiyak na ang isang nakumpirmang order ay ipinoproseso kaagad at ang mga Produktong na-order ay ipapadala bago ang pagbabayad ng kaugnay na invoice. Ang Markit Local Entity ay maaaring humiling ng paunang pagbabayad kung ang order na inilagay ng Customer ay labis sa available na credit limit at suspindihin ang pagproseso ng order hanggang sa matanggap ang naturang pagbabayad o maibalik ang available na credit limit.
10. Mga Pagbabayad. Babayaran ng Customer ang mga invoice sa loob ng 7 calendar days mula sa petsa ng pag-isyu ng mga ito, maliban kung iba ang nakasaad sa invoice. Kung nabigo ang Customer na magbayad ng isang invoice sa takdang petsa, maaaring angkinin ng Markit Local Entity mula sa Customer ang interes para sa late payment para sa bawat araw na naantala na araw sa rate na 0.05% hanggang sa mabayaran ito nang buo.
11. Pricing model. Ang pangkalahatang pricing model na ginagamit ng Markit Local Entity ay ang default na market model kung saan ang Markit Local Entity ay nagdaragdag ng katamtamang street price margin sa pinakamahusay na distribution prices na available. Ang transportasyon at lahat iba pang mga bayarin ay kasama na sa presyo na ipinakita sa Markit System, maliban sa package handling fee para sa maliliit na order. Sa kaso ng bukod na kasunduan, narito ang mga posibilidad:
12. Shipping and Delivery. Maliban kung may ibang napagkasunduan, ang na-order na mga Produkto ay ipapadala sa sandaling natanggap ng Markit Local Entity ang buong bayad mula sa Customer. Batay sa pricing model, shipping at packaging costs na maaaring mailapat, ang impormasyong ito ay ipapakita sa pag-proseso ng order.
Ang tinantyang delivery date ay kinakalkula sa proseso ng pag-order at ipinapakita habang nagbo-browse ng mga produkto sa katalogo ng Markit System. Ang tinantyang mga petsa ng delivery ay maaaring makita habang isinasagawa ang order review process at gayundin sa order confirmation e-mail.
Ang mga produkto ay naide-deliver nang door-to-door nang direkta mula sa mga stock ng Distributor sa pakikipagtulungan ng mga third-party courier o iba pang mga paraan.
Ang Titulo sa Pagmamay-ari sa Mga Produkto ay inililipat mula sa Markit Local Entity sa Customer sa panahon ng delivery sa kondisyon na natanggap ng Markit Local Entity ang buong kabayaran para sa mga Produkto. Nananatili sa Markit Local Entity ang Titulo sa Pagmamay-ari sa naihatid na mga Produkto hanggang sa mabayaran nang buo ang mga Produkto.
Ang panganib ng aksidenteng pagkasira ng mga produkto ay ipinapasa mula sa Markit Local Entity sa Customer sa panahon ng delivery o mula sa sandaling mailipat ang Produkto sa pagmamay-ari ng isang taong hinirang ng Customer.Shipping and Delive.
13. Pagsisiyasat sa panahon ng delivery at mga reklamo. May obligasyon ang Customer na siyasatin ang naihatid na mga Produkto sa panahon ng delivery. Anumang mga paghahabol ukol sa naihatid na mga Produkto na hindi naayon sa kinakailangang dami at anumang mga paghahabol ukol sa nakikitang pinsala sa mga produkto o kanilang balot ay dapat gawin kaagad sa panahon ng delivery at ang isang may-katuturang paunawa ay dapat gawin sa waybill ng mga Produkto o sa isang instrumento ng delivery at resibo ng mga Produkto.
Kung iginigiit ng Customer na ang mga inorder na Produkto ay may depekto o nasira, may karapatang itong mag-file ng isang nauugnay na reklamo na may batayan sa Markit Local Entity sa loob ng 5 (limang) working day mula sa sandali ng reklamo ukol sa anumang depekto, ngunit hindi lalampas sa 30 araw makalipas ang paghahatid ng nasabing Produkto, maliban kung ang mas maikling panahon ay natutukoy ng OEM o Distributor. Ang Markit Local Entity ay obligadong suriin kung ang reklamo ay nabigyang-katarungan sa loob ng 4 (apat) na working day mula sa sandaling matanggap ang reklamo, at kung gayon, agad na gumamit ng mga hakbang upang matugunan ang mga naturang kakulangan.
14. Mga Pagsasauli. Pangangasiwaan ng Markit Local Entity ang mga pagsasauli sa case-to-case basis. Walang karapatan ang Customer na isauli ang mga Produkto na hindi sira nang walang paunang pag-apruba ng Markit Local Entity. Ang pagsasauli ng mga Produkto ay hindi posible sa mga kaso kung saan ang manufacturing o assembly ng mga produkto ay ginawa ayon sa mga espesyal na pangangailangan ng Customer. Ang mga Produkto na isasauli ay dapat na nasa kanilang orihinal na balot at hindi pa nabubuksan. Batay sa likas na katangian at presyo ng Produkto at sa mga pinagbabatayanang kasunduan sa mga Distributor o OEM, ang mga bayarin na hanggang sa 75% ng presyo ng Produkto ay maaaring mailapat. Ang mga gastos sa pagpapadala para sa pagsasauli ng mga Produkto ay responsibilidad ng Customer.
Ang Markit Local Entity ay magsasagawa ng makatuwirang pagsisikap at mga hakbang, sa pakikipagtulungan ng Customer at Distributor o OEM, upang matiyak na ang bawat transaksyon sa pagsasauli ay malulutas sa isang patas at kasiya-siyang pamamaraan.
15. Walang paglilipat ng intellectual property rights. Maliban kung malinaw na napagkasunduan, ang lahat ng intellectual property rights na pagmamay-ari o binuo ng isang partido, kasama ang anumang mga pagbabago, pag-unlad o derivatives nito ay mananatili sa pagmamay-ari ng nasabing partido. Kabilang na rito ang anumang mga Produkto na naihatid ng Markit Local Entity sa Customer na maaaring naglalaman ng anumang naka-embed na software, firmware o iba pang software code, na kung saan ang mga nauugnay na tuntunin ng OEM license ang mangingibabaw.
16. Mga antas ng serbisyo para sa customer support. Ang Customer Support ay ibibigay ng Markit Local Entity batay sa mga sumusunod:
Online Live Chat sa https://www.markit.eu/:
Available: working days sa pagitan ng 09:00 - 17:00 lokal na oras (Portugal / UK 07:00 – 16:00 lokal na oras; Hilagang Amerika 12:00 - 20:00 CET).
Sa kaso ng pinakamataas na demand o anumang iba pang mga sitwasyon, ang Live Chat enquiries ay susundan ng tugon sa e-mail sa loob ng 1 working day.
Suporta sa pamamagitan ng e-mail – ang support e-mail address ng Markit Local
Entity ay available sa
https://www.markit.eu/:
Telephone support – ang a numero ng telephone support ng Markit Local Entity ay
available sa
https://www.markit.eu/:
Oras ng pagtugon: Agad-agad,maliban kung ang mga linya ay abala;
Available: Working days sa pagitan ng 09:00 - 17:00 lokal na oras (Portugal / UK 07:00 – 16:00 lokal na oras; Hilagang Amerika 12:00 - 20:00 CET).
17. Pananagutan. Sa lawak na pinapayagan ng batas, ang Markit o ang Markit Local Entity ay hindi mananagot para sa nawalang kita, kita, pagkawala ng produksyon, pagkawala ng data o anumang iba pang pinsala na direkta o hindi direktang nakamit ng Customer o ng sinuman.
Ukol naman sa mga transaksyon sa benta ang pinagsamang pananagutan ng Markit Local Entity ay limitado sa halagang binayaran ng Customer para sa Mga Produkto na nauugnay sa kung saan umusbong ang pagsasampa ng reklamo.
18. Sales guarantee, mga warranty. Kung ang Produkto ay sales guaranteeo o warranty mula sa Distributor o OEM, ipapasa ito sa Customer ayon sa mga tuntunin at kundisyon ng Distributor o OEM. Ang Markit Local Entity ay dapat mag-alok ng suporta sa Customer sa paghawak / pagpapagitna ng mga claim sa warranty sa mga Distributor/OEM, sa pamamagitan ng pag-relay at pag-follow up sa anumang mga claim sa warranty na mayroon ang Customer laban sa mga Distributor/OEM. Ang lahat ng mga claim sa warranty sa mga Distributor/OEM na nais ng Customer na pangasiwaan ng Markit Local Entity, ay dapat isampa sa pamamagitan ng Markit System. Ang pag-aayos ng warranty ay nasa ilalim ng OEM certified service centres, parehong lokal at pandaigdigan alinsunod sa mga tuntunin na itinakda ng OEM at/o mga Distributor. Ang Markit Local Entity o Markit ay hindi nagbibigay ng anumang sales guarantee o iba pang kusang-loob na warranty sa mga Produkto.
19. Personal na data. Kinokolekta at pinoproseso ng Markit Local Entity at Markit ang ilang personal na data alinsunod sa naaangkop na batas sa proteksyon ng data. Kailangang magbigay ang Customer o mga User ng tiyak na impormasyong personal na mapagkikilanlan para sa pagrehistro ng isang account upang magamit ang Markit System. Kinukumpirma ng Customer ang pagkakaroon ng mga kinakailangang karapatan upang ibunyag, ilipat at iproseso ang personal na data para sa pagpaparehistro ng isang account at paggamit ng Markit System. Para sa higit pang mga detalye sa kung paano nangongolekta, nag-iimbak at nagpopro-proseso ng personal na data ang Markit Local Entity at Markit, mangyaring tingnan ang aming Patakaran sa Privacy.
20. Confidentiality. Maliban sa kung kinakailangan ayon sa batas o para sa mga layunin ng pagsasakatuparan ng hangarin ng mga Tuntunin na ito, ang Markit Local Entity, Markit at ang Customer ay hindi maaaring ibunyag sa anumang third party ang anumang impormasyon na nauugnay sa mga aktibidad sa negosyo o mga plano ng ibang partido, na hindi pampubliko at kung saan sa pangkalahatan ay itinuturing na mga lihim ng negosyo. Pananagutan ng Customer na tiyakin na ang mga kinatawan nito, empleyado at User na may access sa kumpidensyal na impormasyon ay batid ang obligasyon ng pagiging kumpidensiyal at napapailalim sa confidentiality obligations na katulad ng confidentiality obligations sa mga Tuntuning ito.
21. Karapatang baguhin ang mga Tuntunin. Ang Markit at ang Markit Local Entity ay may karapatang gumawa ng mga pagbabago sa mga Tuntunin na ito, pangunahin kung kinakailangan ang mga pag-amyenda upang sumunod sa mga kinakailangan ayon sa batas o upang ipakita ang mga pagbabago sa inaalok na a serbisyo ng Markit o modelo ng negosyo. Ang Markit o ang Markit Local Entity ay magbibigay sa Customer ng makatwirang paunawa sa mga naturang pagbabago. Kung hindi sumasang-ayon ang Customer sa mga pagbabagong ito, maaaring hindi na patuloy na magagamit ng Customer ang Markit System. Ang mga pagbabago sa mga Tuntunin ay naaayon sa anumang mga order na naisumite sa Seller pagkatapos gawin ang mga pagbabago at maabisuhan ang Customer o ang Administrator.
22. Force majeure. Ang Markit, ang Markit Local Entity at ang Customer ay hindi mananagot sa hindi pagtupad o hindi sapat na pagtupad ng mga obligasyong kontraktwal kung sanhi ito ng force majeure. Ang force majeure ay mga pangyayari na wala sa kontrol ninuman at kung saan, sa oras na ang kontrata ay napasok, ang partido ay hindi maaaring asahan na isaalang-alang, iwasan o mapagtagumpayan ang hadlang. Ang force majeure ay hindi nagpapawalang-sala sa sinuman mula sa pananagutan kaugnay ng mga bayarin at interes sa late payment.
23. Pamamahala ng batas. Ang mga Tuntunin na ito ay pinamamahalaan ng mga batas ng bansa kung saan ang Markit Local Entity ay incorporated. Hindi ito sakop ng United Nations Convention on Contracts for the International Sale of Goods.
24. Resolusyon sa pagtatalo. Lahat ng mga pagtatalo, pagkakaiba o paghahabol na nagmumula o kaugnay sa mga Tuntunin na ito, anumang mga order o nauugnay na mga transaksyon sa pagbebenta na pinamamahalaan ng mga Tuntunin na ito, ay pagpapasiyahan ng korte na nasa lokasyon ng Markit Local Entity.
25. Pangwakas na mga probisyon. Ang mga Tuntunin na ito kasama ang nauugnay na transaksyon sa pagbebenta ay bumubuo ng kasunduan sa pagitan ng Customer at ng Markit Local Entity tungkol sa paksa ng mga Tuntunin na ito at ang nauugnay na mga transaksyon sa pagbebenta, ay pinapalitan ang lahat ng nakaraang mga kasunduan, nakasulat o pasalita, na nauukol sa paksa ng mga Tuntunin na ito.
Ang Customer ay hindi maaaring magtalaga ng anumang mga karapatan o obligasyon na nagmumula sa mga Tuntunin na ito sa isang third party nang walang paunang pahintulot ng Markit Local Entity. Ang Markit Local Entity ay may karapatang ibigay ang mga paghahabol hinggil sa hindi pagbabayad o di-wastong pagbabayad sa debt collection agencies at magtalaga din ng mga paghahabol sa pagbabayad para sa layunin ng factoring.